Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang mga administrative charges laban kay dating Department of Health (DOH) Sectretary Francisco Duque III tungkol sa mga kinikwestyong pagbili ng mga Covid-19 supplies at Covid kits na nagkakahalaga ng P41 billion noong taong 2020.
Ang mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross neglect of duty na siyang ipinataw kay Duque noong Agosto ngayong taon ay ganap na na-dismiss.
Ito ay matapos na pagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Duque na una nang nahatulan ng ahensya na guilty ang dating opisyal at isa pang kapwa akusado nito noong Mayo 6.
Dahil doon ay tuluyang napatalsik sa pwesto si Duque bilang DOH Secretary.
Siya rin ay inalisan ng mga retirement benefits at perpetually disqualified sa kahit anong government positions o trabaho.
Samantala, nitong Agosto 5 ay pumayag na ang Ombudsman na hindi na siya maaaring maging subject ng administrative complaints dahil matagal nang tapos ang termino nito bilang kalihim ng ahensya.