-- Advertisements --
May pagdududa si Ombudsman Samuel Maritires sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na maipapatupad ang death penalty hindi lamang sa mga drug convicts at sa halip ay maging sa mga plunderers.
Sinabi nito na sa mahirap patunayan sa korte na ang isang tao ay isang plunderer.
Nilinaw naman nito pabor siya sa pagbabalik ng parusang bitay sa bansa subalit narararapat na ito ay ipatupad muna sa mga tinaguriang heinous crimes sa bansa para lahat ng mga kriminal ay matakot ng gumawa ng krimen.
Nauna rito hiniling ng pangulo sa mga mambabatas na ipasa ang parusang kamatayan sa bansa.