Iginiit ng Office of the Ombudsman na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang dahilan para kasuhan si Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, binalaan ni Ombudsman Samuel Martires ang lahat ng mga ahensya na nagiimbestiga sa bise na may kapangyarihan silang i-take over ang imbestigasyon.
Ito ay kung may kinalaman ang kanyang mga aksyon sa kanyang tungkulin bilang pangalawang pangulo ng bansa.
Binigyang diin rin ni Martires na may kapangyarihan ang Ombudsman na kunin ang hurisdiksyon sa mga pagdinig mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at Kongreso.
Ginawa ni Martires ang pahayag matapos na sabihin ni Justice Usec. Jesse Andres na kailangan nang disiplinahin ng Ombudsman si Vice President Sara at imbestigahan.
Pinayuhan rin nito si Usec. Andres na manahimik dahil makikialam lamang ang Ombudsman kung ang mga aksyon ng bise ay may kinalaman sa kanyang position bilang Pangalawang Pangulo.
Sa ngayon walang matibay na batayan para imbestigahan ang bise.
Si Ombudsman Samuel Martires ay inapoint noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.