Inihayag ng World Health Organization (WHO) na ang Omicron variant ng COVID-19 ay lubos na nakakahawa.
Ayon kay Dr. Soumya Swaminathan ang chief scientist ng WHO na mula ng unang madiskubre ito sa Gauteng, South Africa ay mabilis na ito kumalat sa malaking bahagi ng bansa.
Tumaas din bigla ang kaso ng COVID-19 na naitala sa nasabing bansa.
Paglilinaw din nito na sa ngayon ay wala pang naitatalang nasawi na may kinalaman sa pagkakahawa ng Omicron.
Patuloy din aniya ang kanilang pangangalap ng dagdag na impormasyon ukol sa nasabing bagong variant.
Gaya aniya ng ginawang pagprotekta laban sa Delta Variant noong nakaraang mga buwan ay pinayuhan ng WHO ang mga mamamayan na magsuot ng facemask, ugaliing maglinis ng katawan at ang pag-iwas sa physical contact.