-- Advertisements --
Nagtala ang Belgium ng isang kaso ng bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Belgian Health Minister Frank Vandenbroucke , na ang kaso ng B.1.1.529 o Omicron ay nakita sa isang hindi bakunadong tao.
Nagkaroon ito ng sintomas at nagpositibo sa virus noong Nobyembre 22 ng isailalim sa pagsusuri.
Isa umanong babae ang dinapuan ng bagong variant sa Belgium nalaman na lamang na nagpositibo 11 araw pagkagaling sa bansang Egypt na dumaan sa Turkey.
Mayroon umano itong flu-like symptoms.
Hindi umano nahawaan ang kaniyang mga nakasama sa tahanan nito.
Magugunitang maraming mga bansa ang nagpatupad ng travel restrictions sa mga mamamayan na galing sa bansang South African.