-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa dumarating ang kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy ang kanilang ginagawang genome sequencing.
Mahigpit aniya ang kanilang ugnayan sa mga iba’t-ibang probinsiya kung saan kumukuha sila ng mga impormasyon sa mga pasahero na galing sa South Africa.
Magugunitang unang nadiskubre Omicron variant ng COVID-19 sa South Africa na sanhi ng pagpapatupad ng travel ban ng mga bansa.