-- Advertisements --
Itinuring na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus.
Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing.
Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan na Omicron variant habang 18 samples naman ay delta variant.
Dagdag pa ng kalihim na dominado na ito ng Omicron dahil sa resulta ng kanilang sequence run.
Umabot rin ng 690 percent ang average daily reported cases ang naitala mula Enero 4 hanggang 10 na mayroong average daily increase na 20,481 na kaso.
Dahil dito ay maituturing na nasa kritikal na ang kalagayan ng bansa.