-- Advertisements --
Itiinuturing din ng mga health experts sa US na mas mabilis na nakakahawa ang Omicron variant ng COVID-19 pero ito ay hindi gaanong makapaminsala.
Sinabi ni Dr. Anthony Fauci ang US infectious disease expert na bagamat maraming datos pa ang kailangan ay lumabas sa mga naunang kaso na mas kaunti sa mga dinapuan ng Omicron ang nangailangan na magpa-ospital.
Hindi na rin aniya kailangan ng oxygen ang mga pasyente ng nasabing bagong variant ng COVID-19.
Patuloy din ang kanilang ginagawang pag-reevaluate sa ipinatupad na travel restrictions sa South Africa kung saan ito ay unang nadiskubre.