-- Advertisements --

Mayroon lamang 50% hanggang 70% na tsansang maospital ang isang pasyente na dinapuan ng Omricon variant ng COVID-19.

Ayon sa United Kingdom Health Security Agency na dahil dito ay magreresulta pa rin sa pagkapuno ng mga pagamutan.

Lumabas din sa kanilang pag-aaral na kayang harangin lamang ng bakuna ang nasabing Omicron pagkatapos ng 10 linggo.

Tiniyak naman ni UK Health Secretary Sajid Javid na kanilang mahigpit na binabantayan ang mga datus kada-oras na pinangangambahan nilang tataas ang kaso sa mga susunod na araw.