-- Advertisements --
May malaking tsana na maging dominant sa Europa pagdating ng 2022 ang Omicron variant ng COVID-19.
Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC) na bilang itinuturing na variant of concern (VOC) ang Omicron ay posibleng malampasan ang ginawang pinsala ng Delta variant sa unang dalawang buwan ng 2022.
Dahil sa mas nakakahawa ang Omicron ay inaasahan na nila mabilis na naman mapuno ang mga pagamutan sa Europa.
Hinikayat ni European Health Commissioner Stella Kyriakides ang mga bansa sa EU na pagplanuhan ang pagtaas ng health care capacity.
Nararapat na rin aniya na magpaturok na ng booster vaccines ang mamamayan bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.