-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang panibagong Omicron sub-variant na kasalukuyang problema ngayon sa bansang Hong Kong.

Ito ay matapos na sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng makapasok sa Pilipinas ang nasabing virus.

Gayunpaman ay sinabi ng kalihim na hindi pa sigurado sa ngayon kung ito ba ay lubhang makakaapekto sa bansa tulad ng nangyaring surge sa Hong Kong.

Samantala, tiniyak naman ni Duque sa publiko na mas mataas ang vaccination rate ng Pilipinas kumapara sa Hong Kong, lalo na sa mga senior citizen.

Limang beses na rin aniyang nakaranas ng surge ang bansa kung kaya’t mayroon na rin aniyang natural immunity at proteksyon mula sa bakuna ang karamihan sa ating mga kababayan laban sa nasabing sakit.