Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na kung hindi lang lumabas ang Omicron coronavirus variant ay tapos na ang pagdurusa ng mundo sa COVID-19.
Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, dahil sa pagkakadiskubre ng Omicron sa Africa noong Nobyembre ay naantala ang matagal ng pangarap ng mga bansa na tapusin na ang COVID-19.
Pinayuhan niya ang karamihan na para makabalik sa normal ay kailangan ay maprotektahan ang sarili laban sa bagong kaso.
Kung maaari aniya na ipagpaliban ang mga kasiyahan kahit na hindi gaanong mapaminsala ang Omicron subalit ito ay mabilis ang paghahawa nito.
Giit ng WHO, nararapat ngayon ay nakatutok ang lahat sa pagtatapos ng pandemic at para mangyari ito ay dapat ay magpabakuna, magsuot ng face mask at ipatupad ang physical distancing.
Umaasa siya na magkaisa ang buong mundo para tapusin na ang pandemya sa taong 2022.
“2022 must be the year we end the pandemic,” ani Dr. Tedros. “We have to focus now on ending this pandemic.”