Mabilis uamnong kumakalat ang Omicron variant na domoble pa sa 1.5 ang bilang ng mga kaso sa loob ng tatlong araw sa mga lugar na may community transmission.
Ayon sa World Health Organization (WHO) pumalo na sa 89 bansa o teritoryo ang nakapag-detect ng kaso ng Omicron COVID-19 variant.
Inihayag ng WHO na mabilis na kumakalat ang Omicron maging sa mga bansang may mataas na vaccination rates o may significant proportion ng populasyon na nakarekober mula sa COVID-19.
Nananatiling malabo pa kung ang mabilis na paglobo ng Omicron cases ay dahil sa kaya nitong malabanan ang immunity o dahil sa mas nakakahawa ito kumpara sa naunang variants.
Paliwanag naman ng WHO na nananatiling limitado pa rin ang clinical severity ng Omicron gayundin ang epekto nito sa efficacy o effectiveness ng COVID-19 vaccines.
Nagbabala naman ang WHO sa posibilidad na ma-overwhelm ang mga ospital sa ilang lugar dahil sa mabilis na pagkalat ng Omicron variant.
Gaya ng nangyayari sa UK at South Africa kung saan unang natuklasan ang Omiron patuloy ang pagtaas ng ng mga naa-admit sa ospital at posible na mabilis na mapuno ang healthcare systems dahil sa mabilis din na pagtaas ng case counts.