-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hinde nakauwi ng Sarangani Province ang nagpositibo sa Omicron variant na sinasabi ng DOH na isang OFW na residente ng bayan ng Glan Sarangani.

Ayon kay Glan Mayor Vivien Yap na tutuong residente ng kanilang bayan ang nasabing OFW subalit hinde ito umuwi bagkos dumiretso ito ng Pampangga at duon nag quarantine.

Dagdag ng Mayor na walang nakapasok na Omicron variant sa nasabing munisipyo.

Sinabi naman ng Opisyal na mas tinututukan ngayon sa LGU ang pagbakuna para mahinto ang pagdami ng COVID cases sa lugar.

Kaya naman lahat ng papasok sa kanilang munisipyo para maglibang sa mga white beach duon ang kanilang ang hinahanapan ng vaccination card pati na ang sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi din nito na yaong mga hinde pa bakunado kailangang magpresenta ng negative result ng RTPCR test sa luob ng 72 ka oras at hahanapan din sila ng QR code.