Nakatakdang magkasa ng on- ground investigations para ma verify ang bumagsak na Cessna Plane na namataan sa bulkang Mayon sa Albay.
Una ng sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines na kailangang makita ng mga imbestigador ang bumagsak na eroplano para matukoy kung ano ang posibleng dahilan ng insidente kung ito ba ay mechanical error, pilot error o may kinalaman sa lagay ng panahon.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio na nakahingi na ng permit ang search and rescue teams para mapasok na ang sinasabing pinagbagsakan ng Cessna plane na nasa loob ng permanent danger zone ng bulkang Mayon.
Samantala dagdag pa niya nabigyan na ng permit ang mga search and rescue team para ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang cessna plane.
Sa ngayon hindi pa nila masabi kung ano talaga ang naging sanhi ng insidente, hanggat hindi pa aniya talaga nakikita ang eroplano.