-- Advertisements --
Dagupan City–Hinikayat ng Sangguniang Bayan ang Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO na ipatupad ang on line payment system sa bayan ng Mangaldan.
Sa ipinasang resolution , hinihikayat ang CENPELCO na makipag-ugnayan sa mga bangko o iba pang financial business establishment para sa on line payment.
Ang sentimyento ng mga consumer ang nagudyok sa Sangguniang Bayan na magpasa ng resolution para magkaroon ng on line payment system ang CENPELCO at nang mabilis ang kanilang pagbabayad na hindi na kinakailangang pumila sa pagbabayad ng electric bill sa kanilang tanggapan.
Samantala, plano ng Sangguniang Bayan na maging ordinansa ang ipinasang resolution upang tumalima ang CENPELCO.