-- Advertisements --

Tiniyak ng gobyerno na asahan ng publiko na magiging mabilis ang pag-proseso ng Bureau of Customs (BOC) sa mga Balikbayan boxes, sa oras na lumapag na ang mga ito sa mga pantalan sa bansa.

Ito ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng inaasahang pag-bigat ng traffic sa mga kargamentong papasok sa bansa, habang nalalapit ang Pasko.

Ayon sa kalihim sa kasalukuyan, wala naman silang nararanasang problema sa mga pantalan.

Kung mayroon man aniya, agad nila itong pagu-usapan, kasama ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC), upang matugunan.

Dagdag pa ni Recto na sina sa DOF at BOC, titiyakin na walang magiging problema sa kanilang panig, at on time na makakalabas ng pantalan ang mga package ng publiko, upang maging masaya ang Pasko ng mga Pilipino.