-- Advertisements --

CEBU CITY – Seryosong kinokonsidera umano ngayon ng OneCebu Party ang pag-indorso kay Manila City Mayor Isko Moreno sa kandidatura nito sa pagka-presidente ng Pilipinas sa 2022 election.

Ito ay nang bumisita sa Moreno sa Cebu kahapon kung saan umikot ito sa bayan ng Barili at Dumanjug at nakisama sa mga mangingisda at mga may-ari ng mga mamaliit na negosyo.

Iginiit ng secretary general ng One Cebu Party na si Third District Representative Pablo John Garcia na tanging si Moreno pa lang sa mga presidential aspirant ang kanilang napupusuan na kanilang i-endorse sa national election

Ang One Cebu Party ay isang lokal na political party na pinangungunahan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung saan ilang mga national candidates ang sinusuyo ang mga Sugboanun para sa halalan.

Isa rin ang Cebu sa mga vote rich province sa Pilipinas na aabot sa 3 million mga mga eligible voters.

Binisita rin ni Moreno ang gobernadora ng Cebu sa kapitolyo at ipinangako nito na pauunlarin ang turismo sa probinsya sa pamamagitan na ng paggawa ng mga tulay na kokonekta sa Cebu sa karatig pa na probinsya gaya ng Bohol at Negros.

Kung kaya’t umaasa ngayon ang mayor na ito na ang pipiliin ng One Cebu para sa national election dahil malaking tulong ito sa kanyang kampanya sa pinakamataas na posisyon sa Pilipinas.