-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang kasalukuyang ONE middleweight at light heavyweight world champion Aung La N Sang.

https://www.instagram.com/p/CCJ5LI2D8b_/

Sinabi nito na agad itong nagpa-COVID-19 testing matapos makaranas ng mild symptom ng virus.

Sa kaniyang social media sinabi nito na maging ang pamilya niya ay naka-quarantine dahil nakasalamuha niya ang mga ito.

Umaasa rin ang Myanmar fighter na gagaling din silang mga magkakamag-anak.

Huling lumaban ito noong Oktubre 2019 ng manalo ito sa second-round technical knockout kay ONE heavyweight world champion Brandon Vera.