-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng ONE Championship ang lahat ng mga naka-schedule na laban sa buwan ng Mayo.

Ito ay dahil sa pa rin sa epekto ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni ONE chairman Chatri Sityodtong, na wala pang katiyakang buwan kung kailan maibabalik ang mga laban.

Pangunahing prioridad kasi nila ngayon ay mga kaligtasan at kalusugan ng mga manlalaro at mga opisyal.

Nakatakda sanang isagawa sa bansa ang ‘infinity’ series nito sa Mayo 29 kung saan nakatakdang idepensa ni Brandon Vera ang kaniyang heavyweight title.