-- Advertisements --
Posibleng gawin sa susunod na buwan ang mga laban ng ONE Championship.
Sinabi ni ONE ceo Chatri Sityodtong, na maaaring gawin ito sa China, Thailand at Singapore depende sa ipinapatupad na lockdown measures.
Bagamat wala pang pormal na anunsiyo kung matutuloy ito sa susunod na buwan ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para makabalik na agad sa susunod na buwan.
Ibinunyag din nito ang pagbawas nila ng 20 percent ng kanilang workforce at ang karagdagang $70 million funding boost mula sa institutional investors.
Magugunitang isa ang ONE Championship sa hindi natuloy na mga laban dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa buong mundo.