-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Hindi pa rin umano maaring ipatupad sa bansa ang “One Child Policy” ayon sa Commission on Population (POPCOM)

Ito ay sakabila nang pag-aaral ng POPCOM na posibleng madagdagan ng 2 milyon ang populasyon kada taon sa bansa, na nakikita nilang banta sa mas malalang sitwasyon ng kahirapan.

Ayon kay Herita Macarubbo, Director ng POPCOM Region II, nakasaad aniya sa Saligang Batas ang karapatan ng mag-asawa na magplano sa bilang ng kanilang magiging anak.

Ang “Family planning” pa rin aniya ang solusyon upang maiwasan ang tuluyang paglobo ng populasyon sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Macarubbo, may mga programa sila na naglalayong mabigyan ng sapat na impormasayon ang mga mag-asawa kaugnay sa pagpaplano ng pamilya.