Nakatakdang makatanggap ng allowance mula sa pamahalaan ang mga kababayan nating frontline healthcare workers na siyang nasa unahan ng hanay sa paglaban sa peligrong hatid ng COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing ay sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ilalim ng kanilang ipapatupad na One Covid-19 Allowance ay makatatanggap ang bawat healthcare workers ng allowance na nagkakahalaga ng P3,000 hanggang P9,000.
Paliwanag niy ay hinati sa tatlong klasipikasyon ang mga medical workers na tatanggap ng nasabing allowance mula sa gobyerno.
Ito ay ang high-risk kung saan makatatanggap ng nasa P9,000 na allowance ang mga healthcare workers na kabilang dito , habang nasa P6,000 naman ang matatanggap ng mga kabilang sa moderate-risk, at P3,000 naman ang matatanggap ng nasa low-risk.
Kabilang aniya sa klasipikasyong high-risk ay ang mga ospital anuman ang antas ng serbisyo kabilang na ang mga nasa administrative office at iba pang opisinang nakapaloob sa mga ospital dahil humaharap aniya ang mga ito sa mga pasyente.
Habang ikokonsidera naman ng kagawaran na nasa low-risk ang mga Rural Health Units (RHU), Centers for Health Development (CHD) officesm at regional offices.
Samanatala, tiniyak naman ni Vergeire na magiging specific ang DOH sa naturang polisiya kung anu-anong mga pasilidad ang magiging kabilang sa high, moderate, at low-risk classification.