-- Advertisements --
ONE Direction
One Direction/ IG post

Nagpahiwatig ang sikat na boyband na One Direction ng kanilang muling pagbabalik.

Sa kaniyang social media account, inihayag ng miyembro ng grupo na si Liam Payne ang pagsa-sama nila para sa kanilang ika-10 anibersaryo.

Sa naging panayam din sa kaniya na nagkakaroon na sila ng pag-uusap tungkol sa nasabing pagsasama-sama nila.

Nabuo ang boy band sa The X-Factor sa United Kingdom noong July 2016.

Nagkausap na rin sila ng miyembro na sina Niall Horan at Louis Tomlinson.

Umabot sa 50 million ang record sales ng grupo na nagpasikat ng mga kanta gaya ng “Story of My Life”, “What Makes You Beautiful” , “Best Song Ever” at maraming iba pa.