CENTRAL MINDANAO-Nasa Caraga Region na ang grupo ng mga private sectors at non-government organizations (NGOs) sa Midsayap, Cotabato upang mamahagi ng tulong sa mga nabiktima ng bagyong Odette.
Halos 15 organisasyon ang nagtulong-tulong para sa proyektong One Midsayap Relief Unites: To Care for Typhoon Odette Surigao Victims.
Kabilang sa mga nasabing organisasyon ay ang Galing Sayap Group of Entrepreneurs (GSGE), Midsayap Masters Event Suppliers Association (MMESA), Rotary Club of Midsayap, Greater Midsayap Chamber of Commerce and Industry, Greater Midsayap Men’s and Lady’s Eagles Club, PPALMA Citizens Against Crime and Violence (PCACV), 34th Infantry Battalion – Philippine Army, Notre Dame of Midsayap College (NDMC), Southern Christian College (SCC), REACT Midland, Phoenix Midsayap, Makadima Foundation, Kutawato Eagles Club, Association of Midsayap Water Refilling Station, government officials at iba pang private individuals.
Halos 9-oras na biyahe ang inilaan ng grupo upang marating ang ground zero na tinamaan ng bagyo.
Ayon kay dating Cotabato Ist District Board Member Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan, daan-daang mga donasyon ang kanilang nalikom na kinabibilangan ng food packs, trapal, damit, tubig, hygiene kits, cooking utensils, gamit pantulog at iba pa.
Target nilang mabigyan ang mga pamilyang apektado ng bagyo sa mga coastal areas ng Surigao City at Siargao Island.
Nagpapasalamat naman si Ur da Man sa mga naglaan ng oras at tulong para sa pagsisimulang muli at pagbangon ng mga biktima.