-- Advertisements --

Agad na umani ng papuri ang inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) ang “One Repatriation Command Center” para matulungan ang mga distressed overseas Filipino worker na mapauwi sa bansa.

Tiwala si Migrant Workers Secretary Susan Ople na sa pamamagitan ng “One Repatriation Command Center,” mas mapapadali ang proseso ng repatriation.

Maaari ring humingi ng tulong sa command center ang mga kaanak ng distressed OFWs.

Ayon kay Ople, nasa 186 na ang pumunta sa command center para humingi ng tulong.

Nakatanggap naman sila ng 138 na tawag at 84 na emails simula nang ilunsad ang program.

Karamihan sa mga distressed OFW ay galing sa Middle East, gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, Oman at Qatar.

Kalimitan sa mga dahilan nila ay hindi makatarungang trato sa trabaho, pagkaantala ng suweldo at pagmamaltrato.