Ipinairal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang one-strike policy laban sa mga recruitment agencies ng land-based overseas Filipino workers na nakagawa ng paglabag.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, kamakailan mayroong tatlong strike policy ang ipinatupad laban sa mga lumalabag na recruitment agencies.
Dito, mayroong nakalatag na 20 specific offenses kung saan kapag na-commit o ginawa ng recruitment agency kakanselahin ang kanilang lisensiya.
Ginawa ni Sec. Ople ang naturang pahayag matapos na lagdaan ang department circular sa DMW Rules and Regulations Governing the Recruitment and employment of Land-based OFWS.
Sa bagong patakaran ng DMW, papatawan ng isang standardized penalty ang mga lalabag na private recruitment agencies gaya ng mga sangkot sa korupsiyon, illegal recruitment at trafficking in persons.
Ang seryosong mga paglabag ay papatawan ng kanselasyon ng lisensiya habang ang less serious offenses ay papatawan naman ng anim na buwan hanggang isang taong suspensiyon at sa light offenses naman ay isa hanggang anim na buwang suspensiyon.