-- Advertisements --
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng one-time financial assistance sa mga Employees Compensation (EC) pensioners bilang tulong pinansiyal ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Nakasaad sa Administrative Order 39 na pinirmahan ng pangulo noong Abril 19 na makakatanggap ng P20,000 na one-time financial assistance.
Base rin ito sa nakasaad sa Employees Compensation Commission (ECC) Board Resolutions 20-07-14 at 20-08-17.
Mayroong aabot sa 31,000 na pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang makikinabang sa nasabing programa.
Inaasahan na magpapalabas naman ang ECC sa pakikipagkaisa sa SSS at GSIS ng implementing rules and regulations.