-- Advertisements --

Inaprubahan ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ang hakbang ng pangulo ay kasunod nang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF)  kaugnay sa ginanap na pagpupulong nitong Sabado ng hapon.

Galvez IATF Duterte PRRD

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magtatagal ang ECQ sa tinaguriang NCR Plus hanggang April 11 na magtatapos na sana ngayong Linggo, April 4.

Umaasa naman si Roque na sana pagkatapos ng April 11, 2021 ay maibaba na sa mas maluwag na MECQ ang mga nabanggit na lugar.

Una nang Inirekomenda maging ng DOH at Octa Research Group mula sa UP na i-extend pa ng isang linggo ang mas mahigpit na restrictions.

Nitong nakalipas na Biyernes umabot sa record breaking na mahigit 15,000 ang nadagdag na mga bagong COVID-19 cases sa bansa, habang nitong araw ng Sabado ay  nasa 12,576 ang mga bagong nadagdag na nahawa sa virus.

Lalo namang lomobo ang mga active cases ngayon sa Pilipinas na mahigit na sa 165,000 na nagdulot nang pagkapuno ng mga pasyente sa ilang ospital.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Sec. Roque na paiigtingin pa ang mga hakbang sa mga susunod na araw upang mapababa ang mga nahahawa sa deadly virus katuwang ang DILG at iba pang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

“The enforcement of the Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate (PDITR) Strategy will be intensified,” ani Roque. “Health care utilization, case numbers and the PDITR gatekeeping indicators would serve as the parameters to be assessed for the succeeding weeks risk classification.”

“The Department of the Interior and Local Government (DILG) has been directed to ensure the concerned local government units shall provide these data while the Department of Labor and Employment (DOLE) and the Department of Trade and Industry (DTI) have been directed to provide the data in the workplaces and establishments. The Task Group on Management of Returning Overseas Filipinos (TG MROF) shall provide the data on returning overseas Filipinos.”