Itinutulak ng ilang mambabatas ang pagkakaroon ng pondo para sa onion cold storages at naniniwalang maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pag raise ng pondo katulad ng ginawa para sa Maharlika Fund ng mga government officials.
Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto, kung nagawan ng paraan ang pag raise ng bilyon bilyong pondo para sa sovereign fund, malaki rin ang kumpyinsa niyang kaya itong gawin sa onion cold storage na nagkakahalaga ng halos P40 million.
Ngayon taon umano ay maglalagay ang Department of Agriculture ng 20,000-bag cold storage facility sa anim na producing area sa bansa.
“Ang sa akin lang, equality in prioritization. Kung kaya daw i-raise ang ilang bilyon para sa isang investment fund, siguro naman mas madaling pondohan ang isang bagay na mas mababa ang halaga,” sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto.
Dagdag pa ni Rep. Recto, ang pagkakaroon ng cold storages ay makatutulong sa mga magsasaka sa mga karatig na lugar bukod sa Metro Manila.
Itong mga cold storages daw ay dapat maging counterpart ng pamahalaan sa farmer industry.
“Yung postharvest losses natin umaabot ng 15 percent sa ilang produkto. Kaya ang makatarungang hiling ng mga magsasaka, ‘Pwede ba itong pinagpaguran namin gawan nyo ng paraan na huwag kaagad mabulok,’” sinabi pa ni Rep. Recto.
Ang pagbibigay tuon sa conservation ng farm produce products ay magpapataas sa kita ng mga magsasaka, mag e-stabilize ng supply, magpapababa ng presyo, at magpoprotektahan mula sa mga price manipulator sa merkado.
Sa ngayon, ang kakulangan umano ng cold storages ay ginagawang paraan upang makapaghoard ng mga produkto.
Nababahala rin ang mambabatas na maaaring mas bumababa pa hanggang P10 kada kilo ng sibuyas.