-- Advertisements --
image 398

Iginiit ng isang grupo ng magsasaka na dapat matugunan ang agwat sa presyo ng sibuyas sa pagitan ng farmgate at retail prices nito.

Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) president Rosendo So, bumaba na ang proseso ng farmgate sa gitna ng panahon ng kanilang ani.

Aniya, kung ang magsasaka ay nagbebenta ng P45 to 50 na puting sibuyas, tapos ang retail ay nasa P140, may problema umano sa wholesale at retail price ng nasabing produkto.

Ito’y tumutukoy sa farmgate price ng mga puting sibuyas na ibinebenta sa lalawigan ng Nueva Ecija, habang ang pulang sibuyas naman ay nasa PHP70 kada kilo.

Binigyang-diin ni So ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) na itinakda ng Department of Agriculture (DA).

Sa unang bahagi ng buwang ito, itinakda ng departamento ang suggested retail price sa P125 kada kilo para sa imported medium to big-sized red onions sa National Capital Region.

Binigyang-diin din ng Department of Agriculture ang pangangailangan na paigtingin ang koordinasyon sa mga local market masters para matiyak ang pagsunod sa itinakdang Suggested retail price o SRP.