-- Advertisements --

Napuno na ang mga online bookings ng Quezon City government para sa COVID-19 vaccination program.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hanggang Abril 17 na lamang ay fully booked na ang nasabing vaccination program.

Mayroong panibagong paraan para makakuha ng reservation at ito ay ang assisted booking para sa mga limited slots for walk ins.

Magbubukas pa sila ng panibagong slot para sa vaccination program kapag may dumating na mga bakuna.

Inaasahan pa kasi ng Quezon City government na mayroong 6,500 doses ng Sinovac Biotech mula sa China ang darating pa.