-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 75,000 ang mga nagparehistrong online business.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) mula sa dating mahigit 1,700 na mga online business registrants noong Marso 15 ay mayroon ng mahigit 7,500 ang bilang nitong Setyembre 2.

Sinabi ni DTI Secetary Ramon Lopez, na ang nasabing mataas na bilang ng mga nagparehistro na online businesses ay epekto ng coronavirus pandemic.

Labis na ikinatuwa ng kalihim dahil sinisimulan ng mga tao ang tamang paraan ng pagnenegosyo ito ay ang pagpaparehistro ng kanilang negosyo.

Nauna rito mayroong hangang sa katapusan ng buwang kasalukuyan ang mga online businesses na iparehistro ang kanilang mga negosyo.