-- Advertisements --

LA UNION – Pinaghahandaan na ng mga guro sa Thailand ang kanilang learning materials na gagamitin sa online classes.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Teacher Edward Manangan na ngayon ay nasa Thailand, sinabi nito na nagbalik na rin sila sa trabaho at abala na sa paghahanda sa klase gamit ang digital platform na Zoom at Google Classroom.

Hindi muna papapasukin sa mga paaralan ang mga bata kaya sa pamamagitan na lang ng internet sila magtuturo.

Samantala, ayon pa kay Teacher Manangan na kakaunti na lamang ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bansa at sa katunayan sa nakalipas na tatlong araw ay hindi nadagdagan ang bilang ng tinamaan ng nasabing sakit.