Inilunsad ng Land Transportation office ngayong araw ang Online complaint na ‘isumbong mo kay Chief QR code na isang online feedback complainys form kung saan maaring makapag abot ng reklamo ang publiko maging ang kanilang suggestions gamiy lang ang cellphone.
Ayon nga kay LTO Chief assistant secretary Jay Art Tugade, kailangan lamang na i-scan ang QR code gamit lamang ang cellphone, lalabas ang isang survey form kung saan ilalagay ang mga detalye na direktang mababasa ng Land transportation office chief para maiparating sa mga hepe ng iba’t ibang distrito ng ahensya.
Samantala, may option rin sa survey form hinggil sa kung ano ang pakay ng reklamo tulad ng mabagal na serbisyo, masungit na empleyado at hindi maayos na facility ng LTO maging ang mga fixer na nakapaligid Opisina nito.
Layunin rin ng programa na ito ang mas mabilis na transaksyon lalo na’t pursigido nang itinutulak ng ahensya ang digitalization ng ahensya.