-- Advertisements --

Nasa halos $128 million ang nalikom ng World Health Organization (WHO) sa katatapos na online concert.

showbiz
WHO concert

Ang “One World: Together At Home” ay ginanap nitong nakaraang Sabado.

Pinangunahan ito ni Lady Gaga, Stevie Wonder, Rolling Stones at maraming iba pa.

Bukod sa WHO ay inorganisa ito ng Global Citizen isang international advocacy group.

Mapupunta ang nasabing pera sa COVID-19 Solidarity Response Fund ng WHO.

Hinati sa dalawang bahagi ang nasabing concert.

Ang unang anim na oras ay “pre-show” at ang main 2-hour show ay pinangunahan ni Jimmy Fallon, Jimmy Kimmel at Stephen Colbert na nagsilbing mga host.