-- Advertisements --

Labis-labis ang pasasalamat ni Lea Salonga matapos na nakalikom ito ng P1-milyon na donasyon sa pagtatanghal lamang niya ng isang oras.

Bahagi ang kaniyang pagtatanghal sa inilunsad na “Bayanihan, Musikahan” isang online-concert na naglilikom ng pondo na tutulong sa mga frontline workers at mga mahihirap na naaapektuhan ng ipinatupad na community quarantine.

Ilan sa mga kinanta ng beteranang singer ay kinabibilangan ng “Gaman”, “The Human Heart” at iba pang mga sikat na kanta.

Kabilang din dito ang mga tagalog song na “Nais Ko”, “Bakit Labis Kitang Mahal”, “Sana Maulit Muli” at iba pa.