-- Advertisements --
Magsama-sama ang ilang mga artista at singers para sa online concert bilang suporta sa nakakulong na si Senator Leila de Lima.
Tinaguriang “Leilaya! Mga Tinig at Himig ng Paglaya” ay gaganapin sa Pebrero 24.
Itinaon ito sa pang-apat na taon na pagkakakulong ng Senador dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga sa National Bilibid Prison (NBP).
Ilan sa mga inaasahang magtatanghal ay sina Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cooky Chua, ang bandang True Faith, Ebe Dancel, Bugoy Drilon at maraming iba pa.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng konsiyerto para sa Senador dahil noong Agosto 28 ay isinagawa kasabay ng kaniyang kaarawan.