BACOLOD CITY – Patuloy ang pagkakaroon ng local at international online charity concert ng award winning singer at composer na si Noel Cabangon upang makatulong sa mga nangangilangan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Noel Cabangon, sinabi niyang jobless man silang maituturing sa ngayon, tuloy ang kanilang fund raising habang winawaksi din ang anxiety at depression dulot ng Pandemic.
“We are also the first respondents to the challenges of this pandemic. We also utilize our talents to respond to the needs of our kababayan natin na talagang nangangailangan. So far, it’s really a good feeling, despite naka-lockdown. Sometimes we also have anxiety and get a little depressed being in isolaton but kakayanin natin, mananalo tayo sa battle na ito,” wika ni Cabangon.
Ilan sa mga kantang nilikha ni Cabangon ay ang “Kanlungan”, “Kahit Maputi na ang Buhok Ko”, “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka”, “Kung Kailangan Mo Ako”, at marami pang iba.