-- Advertisements --

Ipinawagan ng National Commision of Senior Citizen ang mahigpit na pagpapatupad ng online discount para sa mga senior citizen at Persons with disabilities o PWDs.

Ayon kay Franklin Quijano Chairperson at CEO ng NCSC sa gitna naman ng usapin ng pagbibigay ng diskwento sa mga nakatatanda at may kapansanan.

Giit ni Quijano noong 2022 pa epektibo ang revenue memorandum cercular number 71-2022 na nagsasaad na mayroon ding diskwento na dapat na matanggap ang mga senior citizens at mga PWD sa kanilang mga binibili online.

Gayunman, wala umano halos online stores o online food platforms na tumatalima rito.

Samantala, iminungkahi ni Quijano na magkaroon na ng digitalized computation para sa mga diskwento na dapat ibigay sa mga matatanda at may kapansanan.