Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagsasagawa ng first-quarter online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw.
Ito na ang pangatlong beses na nagsagawa ng online drills na ang dalawa ay noong 2020.
Dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic ay ginawang online na lamang ang earthquake drill para hindi malabag ang minimum health protocols.
Nakatakda na ring ilunsad ang #BidaAngHanda challenge kung saan hinihikayat ang mga publiko na ibahagi ang kanilang kahandaan sa panahon ng lindol.
Magsisimula ganap na alas-dos ng hapon ang pagpindot ng alarm kung saan ang mga manonood sa live stream ay hinikayat na magsagawa ng “duck,cover and hold” sa kanilang bahay at opisina kapag marinig ang alarm.