-- Advertisements --
PUBG
PUBG/ FB POST

Ipagbabawal na sa Nepal ang sikat na South Korean online game na PlayerUnknown’s Battlegrounds o kilala bilang PUBG.

Ito ay dahil nagdudulot ng negatibong epekto sa mental health dahil sa pagigig biyolente at addictive.

Sinabi ni Sandip Adhikari, deputy director ng Nepal Telecommunications Authority , nakipag-ugnayan na sila sa mga mobile operators at network service providers sa nasabiing pag-block ng laro.

Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng pakikipag-ugnayan na rin ng Central Investigation Bureau of Nepal Police.

Taong 2017 ng ito ay inilunsad at noong nakaraang taon ay umabot na sa mahigit 400 million users ang nagdowload ng laro.