Kinumpirma ng pamunuan ng Security and Exchange Commission na kinansela na nila ang lisensiya ng isang online lending company na Copperstone lending sa hindi makatarungan nitong collection practices.
Kabilang sa mga reklamo na idinulog ng mga nabiktima ng naturang kumpanya ay ang panghaharass ng mga collection agent nito sa kanilang mga kustumer.
Ang ilan sa mga ito ay idinulog ang pamamahiya nito para mapilitan silang magbayad.
Hindi rin aniya makatarungan ang mga payment terms nito na lalong magpapalubog sa utang ng sino man ang mag avail ng loan.
Ayon naman sa SEC, ang naturang kumpanya ay ang nagpapatakbo ng online lending platforms na Moca Moca, Peso Buffet, Pococash, Peso Forrest, Blue Pesos at Load cash.
Ang kautusan ng Financing and Lending Companies Division ng SEC na ikansela ang lisensiya nito ay dahil sa nakitang paglabag na may kinalaman sa Republic Act No. 3765 or the Truth in Lending Act (TILA) and SEC Memorandum Circular No. 18.
Maliban sa kanselasyon, pinagbabayad din ito ng multang P20,000.
Ang aksyon ng ahensya ay dahil na rin sa libo-libong reklamo na natatanggap nito simula nang mag operate ang naturang kumpanya.