-- Advertisements --

Inilunsad sa New York ang online marriage kung saan puwede ng ikasal ang magkasintahan sa pamamagitan ng internet.

Sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo, pumirma ito ng kautusan matapos na maraming kasal ang nakansela mula ng ipatupad ang total lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Dahil dito ay maaari ng mag-apply ng marriage licenses online at puwede silang ikasal virtually.

Nagbiro pa ito na wala ng dahilan para hindi maikasal ang magkasintahan.

Inilabas ang desisyon matapos na palawigin pa ang lockdown hanggang Mayo 15.