Naniniwala si Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator and auxiliary of the Archdiocese of Manila na mahina o hindi sapat na kapalit ng pisikal na pagdalo ng misa sa mga Simbahan ang online masses.
Sinabi ni Bishop Pabillo na dahil sa pandemya, nanonood na lamang ng misa ang mga mananampalataya bagama’t nasa puso ang pananabik na makibahagi ng personal sa mga misa.
Ayon kay Bishop Pabillo, sa ngayon kasi ay walang magagawa dahil sa mga restrictions kaya hanggang online masses lang muna pero huwag mawalan ng pag-asa at paghangad na makapunta pa rin sa mga Simbahan para magsimba kung may posibilidad at tanggapin sa katawan ang katawan ni Hesuskristo sa pamamagitan ng Eukaristiya.
Bago ang Holy Week, nagpatupad ang gobyerno ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig-lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan limitado lamang sa 10 porsyento ang pinapayagang makapasok sa mga establisimiyento kabilang na sa Simbahan.
“Our online mass is a poor substitute of the real physical participation in the mass. At the moment we are constrained to watch the online masses, but please do not lose the fire, the desire to be physically present when it is possible, and to really receive the body of Christ into our body,” ani Bishop Pabillo.