Tiwala ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na mas mapapadali ang pagbayad ng ordinance violation ticket o traffic violations dahil sa paglulunsad ng mga ito ng online digital payment platforms.
Layon nitong hindi na pumila ang mga lumabag sa batas trapiko para magbayad ng kanilang mga obligasyon.
Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na naturang programa binuo para mas maging convenient sa mga motoristang lumabag sa mga city ordinance at mga traffic violations na magbayad sa pamamagitan ng online.
Dahil dito, sinabi ni Belmonte na para matutunan ang pagbabayad online ay pumasok lamang sa website ng Quezon City Portal.
Unang gagawin dito ay ang gumawa ng account para makapag-access ito sa online payment system ng lungsod at wala ng dahilan ang naturang violators sa hindi pagbabayad ng kanilang mga paglabag.