Mariing pinabulaanan ng Department of Science and Technology (DOST) ang ulat na magkakaroon ng sobrang lakas na bagyo sa weekend.
Paliwag ng ahensya, walang dapat na ikabahala ang mga mamamayan dahil walang paparating na super typhoon kundi mahinang low pressure area (LPA) lamang na posible na ring malusaw.
Batay sa lumabas na misinformation sa internet, kasing lakas daw iyon ng super typhoon Yolanda at tatawaging bagyong “Lakas.”
Nababahala ang mga eksperto dahil baka magdulot ito ng takot, gayung malayo naman sa katotohanan.
Batay naman sa beripikasyon ng Bombo Weather Center, lumalabas na walang pangalang Lakas sa 2024 list ng mga pangalan ng bagyo.
Ang sunod na magiging pangalan ng bagyo ay dapat na nagsisimula sa letrang “B” para sa “Butchoy” at hindi ang “L” na para sa “Lakas.”
Una nang ipinayo ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na dapat iwasang magpakalat ng mga impormasyong napupulot lamang sa mga unverified sources.