-- Advertisements --

Sisimulan na sa Abril 30 ang online registration ng Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) chief Karl Chua, na ilulunsad ito ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kailangan lamang na punan ng mga aplikante ang mga personal information at mag-schedule ng kanilang bisita sa mga centers para sa pag-record ng kanilang mga biometrics information.

Sa unang quarter pa lamang ng 2021 ay mayroon ng 17.4 milyon na indibidwal ang nakapag-kumpleto na ng Step 1 registration na kinabibilangan ng door-to-door collection ng information sa mga low-income households .

Umabot na rinsa 4.6 milyon na mga indibidwal ang nakapagtapos na ng kanilang Step 2 kung saan ang mga ito ay nagtungo sa mga registration centers para magbigay ng mga biometric information.
Target ng PSA na makapagrehistro ng 70 milyon na individula hanggang sa katapusan ng taon.