Inirekomenda ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa en banc na palawigin pa ang online registration para sa mga deactivated voter hanggang Setyembre 25 ng kasalukuyang taon.
Layunin umano nito na mabigyan ng pagkakataon ang natitirang 5.73 milyong Pilipinong botante na na-deactivate na muling makaparehistro.
Mula kasi sa Pebrero 12 hanggang Setyembre 11 ngayong taon, tanging kabuuang 556,231 registered voters ang nagproseso ng kanilang aplikasyon gaya ng transfer for reactivation; transfer for reactivation with correction of entries; reactivation at reactivation with correction of entries.
Ayon kay Garcia, ang bulto ng naturang mga aplikasyon ay para sa reactivation na nasa 342,991.
Samantala, pumalo na sa mahigit 6.1 million ang bilang ng bagong registered voters para sa 2025 midterm elections base sa tally ng Comelec noong nakalipas na linggo.