-- Advertisements --

Nagpahiwatig si Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng payagan na ang pagsasagawa ng sabong.

Pero ito aniya ay dapat walang nanonood at sa pamamagitan lamang ng online.

Gayundin ayon sa tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte, kailangang humingi nang paalam sa IATF sa naturang hakbang.

Ang naturang reaksiyon ni Roque ay sa gitna na rin ng ilang kumalat na impormasyon na meron na ring nagpapalaro ng sabong gamit ang internet o online.